Migraine

Phone Call with M

Chris: Uy Kumusta na?

M: Eto, sa bahay. Hindi ako pumasok.

Chris: Bakit ka papasok eh mamaya pa pasok mo?

M: Hinde. I mean hindi ako papasok.

Chris: Baket nga?

M: Masakit ulo ko. Nagpunta ako hospital.

Chris: Migraine?

M: Migraine ka dyan. Pang mayaman lang ang migraine.

Chris: Eh ano nga?

M: Eh sabi ng doctor, malabo na daw mata ko. Dapat daw akong mag salamin.

Chris: Ah. Eh di magsasalamin ka?

M: Hinde. Ayaw ko nga.

Chris: Tange! Magsalamin ka or else mabubulag ka!

M: Ows ??? Ganun ba yon?

Chris: Siyempre madadamage ang optic nerves mo kasi nga ma strain maige kasi nga hindi ka naka salamin.

M: Totoo? Ikaw pinagloloko mo lang ako.

Chris: Joke lang. Hahahaha. Pero you should wear eyeglasses nga para mawala sakit sa ulo mo.

M: Ayaw ko nga eh, magmumukha akong tanga.

Chris: Eh lalo ka kayang mukhang tanga kung hindi mo mabasa ang mga nasa harapan mo na?

M: Hindi naman ganun kalala.

Chris: Eh kung hindi ka gagamit ng salamin eh lalala. Bahala ka nga.

M: Miss na kita.

Chris: Ows??? Talaga?

M: Hindi. Joke din lang Hahahahaha.

Chris: Ba-bye na nga, dami ko pang pending.

M: Teka……….. Ikaw hindi na mabiro.

Advertisements