What’s Changed?

More than a week na ako since nakabalik ng Khobar from my vacation in the little town of Rosario. Actually ninanamnam ko pa ng bonggang bongga ang pag aadjust ng aking body clock to the local time. Enjoy ako na nakakatulog ako ng 7pm at nagigising ako ng 5am. Truly. I feel like I have so much time to just linger before getting ready for work. Feeling ko ka level ko na ang mga Lola ko na Hindi pa man sumisilip si Sunshine Cruz sa aking window ay nagkakape na ako.

I have seen some changes since I got back. Sa sarili ko, ang change is nasanay na akong wala si M. M is bound to come anytime soon, hindi ko pa nga nakukuha ang flight details niya kasi napagkasunduan namin na susunduin ko siya pagkagaling niya ng Manila. 3 months siyang nawala. Nagkita kami sa Manila once lang. Papakiramdaman ko kung ano ang feeling kapag dumating siya. Kakabog pa ba ang aking damdamin? Chos!

There are some changes also with my friends. Susmaryosep nawala lang ako ng 30 days, pagbalik ko ay may big revelations na agad na naibalita sa akin while coming from the airport. Mayroon nang hindi nag uusap, may umusbong na love triangle, etcetera etcetera etcetera.  Parang nag CR lang ako at paglabas ko ay ang dami na agad nabago? Ang big change lang I am happy to announce and will show in my future posts is may bago nang emote si Senadora Jamby. Hindi na niya hinintay na i-seminar ko siya.

Siguro Change is Inevitable? And siguro nga tama si Lolo Jomari Chan when he sung “Life is a Constant Change, and nothing stays the same oh nooooooooooo.

Buti na lang mayron talaga hindi nagche change.

Ang aking freshness.

Chos !!!!!!!!!!

Advertisements

2 Comments on “What’s Changed?”

  1. rain says:

    kwela ka tlaga Cris…nawala ang sakit ng ulo ko….mukhang pinaghandaan mo ng husto ang pagpapapichure sa studio…hapi nmn ako para kay Sen.

  2. theonoski says:

    ohohoyy, ano yang intriga na yan? at may bagong emote na si senador jamby. looking forward to see that.

    so, kelan ang dinner natin sa IKEA?


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s