Sabay – Sabay

After our dinner at the Marriott Hotel (sosyal kami hahahaha), hinatid ko na si Rommel at umuwi na ako. Pagkapa ko sa bag ko hindi ko makita ang aking susi, eh nandun na ako sa main door ng flat so I just rang the bell knowing that Ariel my flatmate was there, buti na lang at may duplicate key siya kasi suspetsa ko I left my keys in the office, (pero naiwan ko lang pala sa kotse).
I turned on the tv, ayun na naman si Hope everywhere. Nakakainis nga siya, ewan ko I dont find any hint of credibility in her statements, kahit katiting man lang wala eh? Is it just me or is she just plain nuts? Nakakainis pa, sabay sabay ang mga magagandang shows sa lahat ng channels, bakit naman ganun? So I just did what I can do in my predicament, channel surfing na lang. Eto mga palabas all at the same time. May naintindihan naman ako kahit paano kasi intelligent ako eh. Hahahahaha.
TFC – The Buzz (with Hope’s interview pati ang side ni Kris sa mga kahina hinalang statements ni Hope
GMA – Showbiz S-files guess niyo kung sino ininterview ni Lolit siyempre naman ang hindi masiyadong mahilig magpa interview na si Hope pa rin.
MBC 2 – The Lord of the Rings – Return on the King (ang ganda ganda talaga nito- siyempre wala na si Hope dito hahahaha)
MBC 3 – Extreme Something, cartoons pambata gusto ko rin sana patulan
MBC4 – Alias (bakit naman kasi nakikisabay, hindi ako tuloy makapag
concentrate eh)
One TV – Dick Tracy, hindi ko masiyadong feel pero maganda din sana.
I ended up paying more attention to The Buzz and eventually nung natapos akala ko ay makakapag concentrate na ako sa The Lord of the Rings pero ang sumunod naman ay Pinoy Big Brother, eh siyempre curious din akong makita kung sino ang mga new housemates who will be the topic of all umpukan. Siyempre kailangan makaka relate ako sa mga umpuk umpukan na yan kaya kailangang makisubaybay sa PBB. Well ayun nga, Pinoy Big Brother and Lord of the Rings pinagsabay ko. Sa kahabaan ng The Lord of the Rings ay natapos na ang Pinoy Big Brother eh naglalakbay pa rin si Frodo but since this is the last installment of the series kaya naman inubos na nila lahat ng budget kaya 32 years ang Lord of the Rings. Natapos ang Lord of the Rings ng 230, naalala ko na Oscars nga pala! The event was going to be shown live kaya lang 4am at parang hindi ko na yata kakayanin? Atsaka ilang kilos na naman kaya ang eyebags ko sa umaga? May pasok pa ako ng 9am at may lunch pa ako sa Marriott na naman kaya pinindot ko na lang ang record at pinilit na matulog na, hindi ako masiyadong nag effort na matulog kasi antok na antok na rin naman ako, so sleep engulfed me easily.
Mamaya ko na lang papanoorin ang Oscars which I scanned shortly before work at tawa ako nang tawa kay Ellen Degeneres. Mabuti na lang at hindi ko napanaginipan si Hope kasi since last week ko pa siya nakikita sa TV.
Advertisements


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s