I don’t expect much.
Iyan ang matalinhagang Opening Line ko kagabi habang seryosong magkausap kami ni M.
Uuwi ako for vacation, pero mauuna siya. Two months ang vacation niya, ako one month lang pero mag aabot kami sa Pinas, and were taking the same flight back.
I don’t expect calls.
I don’t expect texts.
I don’t expect dates.
I don’t expect out of town trips.
I’m too old and too disillusioned.
I don’t want to be selfish.
And I guess too experienced also to know the harsh reality.
May standing invitation na siya sa birthday ng anak niya and ilang beses na rin niya ako niremind sa akin na dapat pumunta ako at dalhan ko raw ng regalo ang bata. Hindi niya daw ako kailangang paalalahanan pa. naisip ko nga, ano kaya pumunta ako doon na fully made up and wearing one of my Mom’s sequined dresses at sige dagdagan pa natin ng wig – ano kaya ang impact nun? (silly fantasy lang – I wont do do it, hindi ko kaya)
Invited din sana ako sa kasal ng ate niya. Ininvite ako ni M pati ng father niya, but I wont be able to make it kasi hindi pa ako makakauwi ng ganung kaaga. Balak ko pa naman sanang talbugan ang bride sa haba ng veil na isusuot ko. Sayang.
But this defense mechanism would probably work for me. Expect less, and I’ll be less disappointed.
Pero I am hopeful. Iba naman ang hope sa expectations.
Hoping na ipakilala niya ako sa mga anak niya.
Hoping na ipakilala niya ako sa Mom niya.
Hoping na hindi niya itutuloy ang threat niya na isasama niya ako sa girlie bar.

3 comments
Comments feed for this article
November 23, 2008 at 6:20 am
Bamba
A huh! You’re right expect less, para hindi masyadong masakit at kung kakayanin mo e ‘wag ng mag expect at all!!!
Ano nga kaya? pumunta ka ng naka full battle gear? Miss Universe ikaw nga ba?
Siguro Maloloka lahat hahaha!
O zya, hoping na maganda ang kalalabasan nito….
November 23, 2008 at 8:53 am
robinriyadh
dumalaw na po!
November 23, 2008 at 10:27 am
d charmed one
thanks for the visit robert.
i feel like im new in blogging again.
ill try to update my header image soon.
kung hindi tonight baka tommorow night.