After so long of not posting anything. Im back. Period lang, walang excalamation point as in walang excitement kasi wala pa rin akong maisip na mai-blog. But I thought, Eid Holidays is coming up so I better come up with something or else, 5 days na vacation, 5 days din akong walang post. Hay naku, napag iwanan na ako ng everybody.

A few days ago, at a party, kausap ko ang isang badette sa isang party sa farm sa medyo kalayuan, in fact lumampas kami ng isang checkpoint (ganun kalayo) just to get to the farm, nung dumating kami eh hindi naman pala kagandahan ang farm (sayang lang ang gas), but that’s another story. Anyway, itong si badette sunod nang sunod sa akin, nararamdaman ko. Kung saan ako pupunta, maya-maya ay nandun na rin siya. May pagka feeling na para bang idol ang tingin sa akin. May mga questions na kung ano ano, na sana ganun din daw siya katulad ko. Ano daw ba advice ko sa kaniya? Well, since pa morningan ang piging kaya pinagtiyagaan ko na si badette.

First impressions are generally wrong. Akala ko typical manggugupit si badette na puro lalake ang inaatupag, pero hindi pala. Breadwinner ang badette. Very humble siya. At magaling kumanta. Naikuwento niya sa akin ang kaniyang life story. Si badette daw nung pagka graduate daw ng high school eh gusto niyang mag Nursing kasi iyon lang daw ang sagot sa kahirapan na nakikita niya pero di kasing level ng Japan, na inambisyon din daw niya. Pero ayaw na raw siyang pag aralin ng parenthood at kulang na raw ang pera na galing sa paglalabada ni mother and pag tricycle ni father, kaya pumasok siya sa parlor at naging full-fledged parlorista. Masalimuot ang buhay ni badette, pero kita mo sa kaniyang katauhan ang pagiging positive. Lagi siyang may positive side na nakikita. Nahuli siya ng mutawa (religious police) , may positive siyang nakita. Hindi siya pinasuweldo for 3 months ng amo niya, may positive siyang nakita. Inutangan at hindi na binayaran ng lalake, yes sa maniwala ka’t sa hindi, may positive pa rin siyang nakita dun. At kahit na ayaw daw siyang isama ng mga matatandang organizers ng piging ay nagpilit siya. Hindi daw niya alam kung bakit. Ewan ko kung bulag siya or manhid, pero napansin ko na insecure ang mga matatandang bading na naglalagkitan ang mukha na nasunog sa Magic Cream sa kaniya.  Dahil si badette, kahit na simple at medyo luma na ang damit, pretty pa rin ha? Kumpara sa mga thundercats na parang puwedeng pagprituhan ng tilapia ang fez sa Oiliness. Hahahahaha. At ang positive na nakita niya. Nakilala niya daw ako. Ako daw ang magiging inspirasyon niya. Gusto niya daw maging katulad ko. Touched naman ako.

Kinaumagahan, nahihilo sa antok. Nagpaalaman at nagsiuwian ang mga dumalo. Si badette napansin ko, ayaw isabay. Sinabay namin siya pauwi. Kung malapit lang daw bahay ko sa kaniya, punta daw siya sa akin. Sabi niya na medyo natawa pa nga ako “Birds of same feathers, flocks wherever” Kinorrect ko siya. Nag thank you siya at nang bumaba, kita ko ang kainosentehan sa mukha niya. Hindi ko alam kung inosente nga ba siya o sadyang positive lang talaga siya.

May mga tao pa palang ganun. Kahit na ang mga kasama niya ay sing oily ng balat ng lechong kawali, at sing bitter ng tarantia ampalaya bitter herbs. Positive pa rin siya. Sana ganun din ako.

Lets think positive. Is this still possible?